Posts

Ang aking Ina at Ama

 Ang aking ina ang ilaw ng tahanan  takbuhan namin kapag kami ay malungkot  sa lahat ng aming katanungan siya ang nagbibigay kasagutan.  Ang aking ama ay haligi , tagapagtanggol at humamalili kapag kami ay mahina at naaapi. Saan man mapunta ang mga paa laging nariyan sila mama at papa , ang paggabay na handa nilang ibigay. Pagmamahal ay handa kong ibigay sa kanila at iparamdam . Sila ang nag bibigay ng magandang buhay at gumagabay , mula sa aming pagkasilang. Kaya't sa aking ina at ama ako'y nagpapasalamat sa lahat ng inyong sakripisyo.